Pagmulat palang ng ating mga mata,
Pilit na tayong pinapakain ng masusustansiya.
Upang tiyan ay mabusog,
Katawan ay maging malakas at malusog.

Sa aking inosenteng mga mata,
Pagkain ng gulay aking nakikita.
Tanong sa sarili “Ito’y masarap ba?”
O kaya’y kinakain ba ng mga bata?

Ngunit sa aking pagtanda,
Paglunok ng kapirasong gulay ‘di handa.
Sa dila ko, lasa’y ‘di maganda
Bakit kaya? Nakakapagtataka.

Siguro nga’t ‘di talaga ako sanay,
Sa sarap nitong tunay.
Matinding pagsubok dumating sa buhay,
At ito ay ang pagkain ng gulay.

Ngayo’y pilit kong magbago,
Upang sarili ko naman ay lumago.
Mga chichirya’t softdrink akin ng itatago,
Sana pagkain ng gulay tumatak saking puso’t dugo.

Leave a comment